Latian ng Candaba

Palayan sa Latian ng Candaba na tanaw mula sa North Luzon Expressway, Abril 2017

Ang Latian ng Candaba o Lusak ng Candaba (Candaba Swamp sa Ingles) ay matatagpuan sa bayan ng Candaba, Pampanga, 60 kilometro sa hilagang-silangan ng Maynila sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Sinasaklaw nito ang 32,000 ektarya ng mga maliit na lawang tubig-tabang, mga latian at mga lusak (swamps/marshes) na pinaliligiran ng mga damuhang bumabaha nang pana-panahon. Ang buong lugar ay nagiging lubog sa tubig tuwing tag-ulan. Natutuyo ito tuwing mga buwan ng Nobyembre hanggang Abril, at ginagawang lupang-sakahan ng mga nakatira roon ang latian. Karaniwang itinatanim diyan ang pakwan at palay na bumubuo sa behetasyon ng kapatagang-bahaan, kasama na ang mga maliliit na tumpok ng sasa (Nypa fruticans) at ilang espesye ng bakawan.

Nagsisilbi ring likas na lunas ng pagpapanatili (retention basin) ang Latian ng Candaba tuwing tag-ulan. Hinahawak nito ang pag-apaw mula sa limang mga maliit na ilog (Maasim, San Miguel, Garlang, Bulu at Peñaranda), at pagkatapos ay dadaloy sa mas-malaking Ilog Pampanga.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Tubidy